Radio Philippines Network
Image default
Headlines National News

COVID-19 cases sa bansa mahigit 98K na —DOH

Muli nanamang nakapagtala ng panibagong record ang Department of Health (DOH) sa may pinakamaraming karagdagang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas sa nakalipas na magdamag.

Ito’y matapos maitala ang 4,963 new COVID-19 cases ngayong Sabado, unang araw ng Agusto.

Nahigitan nito ang record kahapon, Hulyo 31, na may 4,063 new COVID-19 cases.

Dahil dito, pumalo na sa 98,232 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa, kung saan 30,928 dito ay active cases.

Samantala, sumampa na sa 65,265 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober matapos ang panibagong 93 cases; habang 17 naman ang nadagdag sa mga namatay dito kaya’t pumalo na sa 2,039 ang death toll ng COVID-19 sa bansa.

Related posts

AWOL na pulis ng NCRPO arestado sa kasong rape

Powered by DWIZ

Baldo hindi muna makakalaya kahit pa nakapag pyansa na

Powered by DWIZ

Isang advocacy group umapelang ipatigil ang reclamation projects sa Manila Bay

Powered by DWIZ

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More