31.5 C
Manila
Saturday, April 27, 2024

COVID-19 cases sa bansa higit 18,000 na —DOH

- Advertisement -

Humigit na sa 18,000 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

Batay sa pinakahuling tala ng Department of Health (DOH), nadagdagan pa ng panibagong 862 ang nagpositibo sa COVID-19 sa bansa dahilan para sumampa na sa kabuuang 18,086 ang mga tinamaan ng naturang virus.

Sa naturang bilang ng mga bagong kaso, 16 dito ang bagong napaulat o “fresh” cases na nasuri sa nakalipas lamang na tatlong araw; habang 846 cases naman ang itinuturing na “late” cases o mga kasong natuklasan sa nakalipas na apat o higit pang mga araw ngunit ngayon lamang nakumpirma ng ahensya.

Samantala, nadagdagan naman na 101 ang bilang ng mga naka-recover mula sa virus kaya’t pumalo na sa 3,909 ang kabuuang bilang ng mga gumaling na sa COVID-19.

Sa kasamaang palad, nakapagtala naman ng pitong (7) karagdagang nasawi mula sa virus dahilan para umabot na sa 957 ang death toll ng COVID-19 sa bansa.

Kasunod nito ay nakatakda nang isailalim sa general community quarantine (GCQ) ang Metro Manila bukas, Lunes, kung saan, mas marami ng mga negosyo at establisyimento ang papayagan nang magbukas at magdagdag ng puwersa ng kanilang mga empleyado, kasabay ng pagsunod pa rin sa mga health safety standards gaya ng pagsusuot ng face masks, pag-obserba ng social distancing at temperature check.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -