COVID-19 cases sa bansa 11,086 na

0
15

Pumalo na sa 11,086 ang bilang ng mga tinamaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Pilipinas.

Ito’y batay sa pinakahuling update ng Department of Health (DOH) makaraang makapagtala ito ng 292 na bagong impeksiyon nitong nakalipas na 24 oras.

Samantala, umakyat naman sa 1,999 ang bilang ng mga gumaling mula sa COVID-19 bunga ng 75 na bagong recoveries.

Pahayag ng DOH, 726 na ang mga pasyenteng namatay matapos pumanaw ang pito pang pasyente bunsod ng naturang sakit.