COVID-19 case sa bansa umakyat na sa 2,084 —DOH

COVID-19 case sa bansa umakyat na sa 2,084 —DOH

by Powered by DWIZ
45 views

Umakyat na sa kabuuang 2,084 ang kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19)sa bansa.

Ito ay matapos maitala ng Department of Health ang 538 bagong kaso ng naturang sakit, batay sa kanilang pinakahuling datos kahapon.

Tumaas din sa 88 ang kabuuang bilang ng nasawi dahil sa COVID-19 makaraang masawi ang sampu pang pasyente.

Kabilang dito sina patient 935 na isang 83 anyos na lalaking taga Parañaque City; patient 798 na 74 anyos na lalaking mula Quezon City; patient 1419 na 79 anyos na lalaking mula rin sa Q.C.; payient 1032 na 64 anyos na babaeng mula Manila City.

Gayundin si patient 2045 na 60 anyos na lalaking mula Q.C.; patient 1372 na 89 anyos na lalaking mula Caloocan City; patient 1508 na isang 72 anyos na lalaki na taga rizal; patient 862 na 78 anyos na lalaking taga q.c.

Patient 1240 na isang 51 anyos na lalaking taga San Juan City at patient 1680 na 51 anyos na babaeng mula Rizal.

Samantala, umakyat naman sa 49 ang bilang ng mga nakarekober na pasyente ng COVID-19 matapos madagdagan ng pito kahapon.

0 comment

Related Posts