Saturday, May 18, 2024

COVID-19 case sa bansa muling nadagdagan umakyat na sa 2,633 ang bilang

- Advertisement -

Muling nadagdagan ang bilang ng kumpirmadong kaso at mga nasawi dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

Batay sa pinakahuling datos ng Department of Health (DOH), umakyat na sa 107 ang death toll sa COVID-19 na matapos maitala ang dagdag na 11 nasawing pasyente, kahapon.

Nadagdagan din ng 322 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Dahil dito, umakyat na sa 2,633 ang kabuuang bilang ng COVID-19 infections sa Pilipinas.

Samantala, umakyat naman sa 51 ang bilang ng mga naka-rekober mula sa virus kasunod ng pagkakadischarge sa ospital ng isa pang pasyente kahapon.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -