COVID-19 bed capacity ng mga ospital sa Metro Manila nasa ‘danger zone’ na —DOH

    0
    11

    Nasa ‘danger zone’ na ang bed capacity para sa mga pasyente ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Metro Manila.

    Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nasa 73.3% na ang utilization rate ng isolation beds habang 77.4% naman ang occupancy rate sa ward beds para sa mga COVID-19 patients sa National Capital Region (NCR).

    Ipinaliwanag naman ni Vergeire ang mga percentages na ginagamit ng kagawaran upang malaman ang klasipikasyon ng mga bed capacity sa bansa.

    Aniya, masasabi nilang nasa ‘safe zone’ pa ito kapag nasa zero to 30% pa lamang ng COVID-19 dedicated facilities ang kasalukuyang nagagamit.

    ‘Warning zone’ naman kung nasa 30% to 70% na ang nagagamit habang ang ‘danger zone’ naman ay kung nasa 70% to 100%.

    Tiniyak naman ni Vergeire na kanilang pa rin itong minomonitor upang mapaghandaan sakaling magkaroon ng surge.