PNP, LGUs magbabahay-bahay para ipadala sa health facilities ang mga naka-home quarantine na COVID-19 patients

    0
    14

    Magbabahay-bahay na ang Philippine National Police (PNP) at mga lokal na pamahalaan para maidala na sa mga health facilities ang mga pasyente ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) na naka-home quarantine.

    Ito ay matapos na hindi na paghikayat ng pamahalaan sa pagho-home quarantine dahil sa paglaki ng posibilidad na maipasa ang COVID-19 sa mga kasama ng pasyente sa bahay.

    Dahil dito, hinihimok ni Interior Secretary Eduardo Año ang pubiko na agad ipagbigay alam sa mga otoridad kung mayroon silang mga kapitbahay na nagtatago at positibo sa COVID-19.

    Giit ni Año na ito’y alinsunod sa Republic Act 11332 o mandatory reporting of notifiable diseases and health events of public health concern act.