Patuloy na nadaragdagan ang bilang ng mga pulis na nagpopositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Batay sa pinakahuling datos ng Philippine National Police (PNP), umakyat na sa 1,239 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa hanay ng PNP.
Nasa 648 naman ang itinuturing na probable cases, habang 1,366 naman ang suspected cases.
Samantala, umabot naman sa 521 ang bilang ng mga pulis na nakarekober sa sakit habang nananatili naman sa siyam ang bilang ng nasawi.