Radio Philippines Network
Headlines National News

Courtesy resignation sa PhilHealth officials matagal na dapat ipinatupad — Gierran

Bigong ipatupad ni dating PhilHealth President Ricardo Morales ang board resolution noong nakalipas na taon na nag-aatas sa 26 na opisyal ng ahensya na magbitiw sa puwesto.

Ito ang nilinaw ng bagong PhilHealth President Dante Gierran kasunod ng inilabas niyang memorandum para sa paghahain ng courtesy resignation ng mga opisyal ng ahensya.

Giit ni Gierran, alinsunod ang kaniyang naging pasya sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na linisin ang PhilHealth mula sa mga tiwali upang matiyak na tanging ang mga tapat at malilinis lamang ang matitira sa kanilang hanay.

Una rito, inireklamo na sa Ombudsman ng National Bureau of Investigation (NBI) sina Morales at iba pang  mga opisyal ng PhilHealth kaugnay ng maanomalyang pagpapatupad ng interim reimbursement mechanism (IRM).

Related posts

Pangulong Duterte at Nur Misuari nakatang muling mag-usap

Powered by DWIZ

Ilang grupong inuugnay sa Communist Party of the Philippines kinasuhan

Powered by DWIZ

Ilang training facilities ng PNP kinukonsiderang isailalim sa lockdown dahil sa 2019-nCoV ARD

Powered by DWIZ

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More