Contract termination ng 8 sa 18 tauhan ng NBI ipinag-utos

0
46

Iniutos na ng Department of Justice (DOJ) ang contract termination ng 8 sa 18 tauhan ng Bureau of Investigatio (BI) na sangkot sa umano’y pangingikil.

Inatasan na ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang BI na wakasan na ang kontrata ng mga sangkot umano sa pangingikil ng halagang mahigit P9 million sa 15 Korean nationals.

Napag-alamang pawang mga job order contractors ang mga naturang tauhan.

Samantala mananatili namang nasa ilalim ng 90-day preventive suspension ang 10 iba pa habang patuloy ang imbestigasyon sa kanila.