Computation ng BuCor para sa GCTA ipinahinto ng DOJ

0
62

Ipinahinto ng Department of Justice ang  omputation na ginagawa ng Bureau of Corrections kung sino sinong bilanggo ang maagang mapapalaya sa pamamagitan ng Good Conduct Time Allowance o GCTA.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, rerepasuhin at isasa ayos muna ang guidelines ng BuCor hinggil sa GCTA bago ituloy ang computation.

Sinabi ni Guevarra na nagtalaga na siya ng task force upang mabilis na matapos ang review sa BuCor guidelines at upang hindi malabag ang karapatan ng mga karapat dapat na bilanggo na tunay namang nagpakita ng pagbabago ng kalooban habang nasa bilangguan.