35 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

COMELEC walang balak palawigin ang voter registration period para sa 2019 midterm elections

- Advertisement -

Wala nang balak pang palawigin ng Commission on Elections (COMELEC) ang voter registration period na magtatapos ngayong araw Setyembre 29.

Ang pagpaparehistro ay para sa nakatakdang national and local elections sa Mayo 13, 2019.

Kasabay nito, pinaalalahanan naman ng COMELEC ang publiko na may planong humabol sa registration bukas na magbaon ng mahabang pasensya dahil sa tiyak aniya na mahaba ang pila sa mga tanggapan ng COMELEC sa huling araw ng registration.

Mula alas otso ng umaga hanggang ala singko ng hapon bukas ang COMELEC offices ngayong araw.


COMELEC offices dinagsa ng mga pagpaparehistro kahapon

Dinagsa ng mga magpaparehistro ang mga opisina ng Commission on Elections (COMELEC) kahapon.

Ayon sa COMELEC, hindi na maiwasan ang ganitong eksena kahit pa anong aga ang kanilang paalala para huwag nang magahol ang mga ito sa pagpaparehistro.

Ngunit kanila pa rin umano itong pinipilit na baguhin.

Samantala, inaasahan naman ang mas maraming pagdagsa ng tao ngayong araw na huling araw ng registration period.

Una rito, sinabi na ng COMELEC na hindi sila magbibigay ng extension para sa magpaparehistro.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -