COMELEC: Pag-imprenta ng balotang gagamitin sa Mindanao malapit nang matapos

0
46

Tiniyak ng Comelec o Commission on Elections na malapit nang matapos ang pag-iimprenta ng mga balotang gagamitin sa Mindanao para sa darating na May 13 midterm elections.

Ayon kay Comelec spokesman James Jimenez, tinatayang nasa walumpung porsyento na ang natatapos ng national printing office, sa pag-iimprenta ng mga balota para sa mga lugar na sakop ng BARMM o Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Ani Jimenez, unang natapos ang mga gagamiting balota para sa overseas absentee voting sa buwan ng Abril, kung saan ilan sa mga ito ay inihahanda na upang maipadala na sa mga lugar kung saan gagawin ang nasabing botohan.

Kasabay nito, inamin naman ni Jimenez na uumpisahan pa lang ng Comelec ang pag imprenta para sa mga balotang gagamitin sa ibang lugar.