COMELEC: Mga posters na wala sa common area at itinakdang sukat tatanggalin

0
50

Nagsanib puwersa ang Commission on Elections, Department of Public Works and Highways, Metro Manila Development Authority at PNP-NCRPO para magtanggal ng illegal campaign posters ng mga kandidato sa eleksyon.

Ayon kay director James Jimenez, spokesman ng Comelec, tatanggalin ang mga posters na wala sa common poster area, at sobra sa itinakdang sukat.

Kabilang rin aniya sa maituturing na illegal campaign posters ang billboards ng mga produkto na ang endorser ay kandidato sa eleksyon.

Nakiusap naman si MMDA General Manager Jojo Garcia sa mga kandidato at mga suporters ng mga ito na huwag nang magsayang ng pera sa paglalagay ng illegal campaign posters at huwag na rin sanang sayangin ang oras nila at pagod sa pagtanggal nito.