COMELEC Baguio nakatanggap ng 436 na COC

0
19

Baguio City – Aabot sa 436 na Certificate of Candidacy o CoC ang natanggap ng Commission on Election-Baguio noong Lunes ang unang araw ng pagsampa ng CoC’s.

Ayon sa datos ng naturang komisyon, nakatanggap sila ng 49 na para sa Punong barangay habang 323 naman ang para sa mga Barangay Kagawad.

Samantala, sa Sangguniang Kabataan, nakatanggap sila ng 28 na CoC’s habang 36 din sila para sa SK Kagawad.

Sinabi ni COMELEC Baguio election Officer Attorney John Paul Martin, na alas otso pa lang ng umaga ay umabot na sa mahigit kumulang sa 100 ang nagpila ng kanilang CoC’s nila.  Sinabi ng election officer na maaring dumami pa ang mga magsasampa ng kanilang Coc’s sa darating pang mga araw.

Samantala, pinaalalahanan niya ang mga magsasampa ng kanilang CoC’s, huwag nilang kakalimutan na maglagay ng documentary stamp, ipa-notarize ito at lagyan din ng passport size na ID nila.

Maliban dito ay dapat din nilang lagyan ang kinakailangan  impormasyon ang form upang maayos ang  pagsampa nila ng  CoC’s.

Dalawang pang mga COMELEC CHECKPOINTS sa bawat araw ang ipapatupad ng Baguio City Police Office o ng BCPO. Magpapatupad ang Baguio City Police Office (BCPO) ng 24 na mga Comelec checkpoint bawat araw upang matiyak ang kaayusan at kapayapaan sa gaganaping Barangay at Sangguniang Kabataan Election (BSKE) ngayong taon.

Nagtalaga ng mga Comelec at PNP checkpoint sa estratehikongl lugar ng siudad kaya hinihiling niya ang pakikiisa at pakikipagtulungan ng mga mamamayan. (Joel Cervantes, photo courtesy of PIO Baguio)

Leave a Reply