Colombian Justice Minister ipinag-utos na imbestigasyon sa nangyaring riot sa Bogota

0
14

Ipinag-utos na ni Colombia Justice Minister Margarita Cabello ang mahigpit na imbestigasyon sa nangyaring  riot sa pinaka-malaking kulungan sa Bogota.

Ayon kay Cabello, kabilang sa kanilang pangunahing hakbang na ginawa ang pagkalap ng impormasyon sa mga hinanaing ng mga preso upang matugunan ang mga ito.

Matatandaang, nagsimula ang riot matapos na magtangkang tumakas ang mga preso dahil sa takot na madapuan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa loob ng piitan.

Naging dahilan naman ito ng pagkasawi ng 23 preso habang ang 32 bilanggo at 7 guards ay kasalukuyang nasa pagamutan.