Colombia palalayain ang tinatayang 4,000 dahil sa COVID-19

0
18

Tinatayang 4,000 bilanggo ang pansamantalang palalayain sa Colombia sa harap ng banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay Justice Minister Margarita Cabello, mangyayari ang pagpapalaya sa mga preso sa mga susunod na araw.

Nabatid na dalawang bilanggo ang nasawi dahil sa COVID-19 matapos pakawalan sa lungsod ng Villavicencio habang 13 iba pa mula sa bilangguan ang dinapuan din ng naturang sakit.