Collin Morikawa wagi sa PGA Championship

0
42

Napasakamay ng Amerikanong si Collin Morikawa ang PGA championship sa TPC Harding Park.

Nagpakitang gilas si Morikawa sa pamamagitan ng six under par 64 para makaabot sa 13 under on sa linggong ito o dalawang strokes na mas magaling kaysa Kina Dustin Johnson at English Ryder Cup veteran Paul Casey.

Pasok naman si dating world number one Jason Day sa grupo ng limang golfers na bahagyang nakapuntos.

Ang PGA championship title ay kauna-unahang career major title ni Morikawa.