Paggamit ng rapid antibody test para sa COVID-19 ‘di ipagbabawal ng DOH

0
26

Hindi ipagbabawal ng Department of Health (DOH) ang paggamit ng rapid antibody test para sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ito ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergerie ay dahil epektibo ang rapid anti body test para sa mga nakarekober na mula sa naturang sakit.

Tinukoy ni Vergeire ang rapid antibody test na nagte test sa mga indibidwal sa antibodies immunoglobulin (IgM) at imunoglobulin g (IgG).

Ang resultang positive para sa IgM aniya ay senyales ng active COVID-19 infection at ang positive result naman para sa IgG ay indikasyong nakarekober kailan lamang ang pasyente.

Gayunman  mahigpit ang paalala ni Vergeire laban sa paggamit ng rapid anti body test para sa COVID-19 screening purposes.