31.1 C
Manila
Friday, April 26, 2024

Coco Martin nagsalita na sa mga kinakaharap na kontrobersiya

- Advertisement -

Nagsalita na Ang Probinsyano star na si Coco Martin hinggil sa ipinupukol sa kaniyang mga kontrobersiya.

Isang mahabang Instagram post ang bumulaga sa mga followers ni Coco kasabay ng paggunita ng Pasko ng Pagkabuhay.

Magugunitang kamakailan ay lumutang ang mga usapin hinggil sa di umano’y pagsilang ng sanggol ng kanyang rumored girlfriend na si Julia Montes noong nakaraang buwan.

Hinala ng nakararami, may kinalaman dito ang naging post ng Kapamilya star.

Nakasaad sa post ni Coco ang ilan sa mga pangaral sa kanya ng kanyang Lola Matilde.

Pinasaringan ng aktor ang mga taong wala raw magawa sa buhay at nagsasayang ng oras para pagusapan ang buhay ng iba para manira.

Binigyang diin din nito na ang hindi nito pagkibo at hindi pagpatol sa mga bagay na hindi ikauunlad ng bayan ay hindi isang kabaklaan.

—–
- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -