Nagbabala ang Philippine Coast Guard sa posibleng maidulot na peligro ng pagsakay sa mga kolorum na pampasaherong bangka.
Kasunod ito ng paglubog ng isang motor banca na may sakay na labing dalawang (12) pasahero sa Culasi Point sa Roxas City, Capiz noong Hulyo 29.
Ayon sa PCG, inarkila ng isang Jesus Ziban ang bangkang FV San Juan para pumunta ng Tuwad Island subalit nang pabalik na sila sa barangay Baybay sa Roxas City, sinalubong ito ng malalaking alon dahil kaya ito lumubog.
Agad namang rumesponde ang PCG Capiz Station at nailigtas ang lahat ng pasahero at tripulante ng nasabing bangka.
Lumabas naman sa imbestigasyon na hinid awtorisado ang FV San Juan na magsakay ng pasahero.
—-