Monday, May 6, 2024

Cloud seeding sa mga lugar na apektado ng El Niño inihahanda na

- Advertisement -

Kasado na ang cloud seeding operations ng Department of Agriculture (DA) sa mga lugar na apektado ng El Niño phenomenon.

Ayon kay Agriculture Secretary Manny Piñol, isinasailalim pa nila sa evaluation ang mga lugar na apektado ng tagtuyot dahil kailangan ng tamang tiyempo para sa cloud seeding operations.

Napaghandaan naman aniya ng DA ang El Niño phenomenon at sa katunayan, noong nakaraang taon pa ay binuo na nya ang Task Force El Niño.

Kasado na rin aniya ang ayuda para sa mga magsasaka mula sa Philippine Crop Insurance Corporation Survival and Recovery Loan Program at Calamity Fund Quick Reaction Fund.

Sinabi ni Piñol na inaasahang huhupa na ang epekto ng El Niño sa maraming lugar sa bansa bago matapos ang Mayo.

Una rito, nagpapasaklolo na ang mga magsasaka sa Mindoro dahil sa nararanasan nilang tagtuyot.

—-

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img