‘Closed’ signs sa mga lotto outlets maaari nang tanggalin – PNP spox

0
50

Maaari nang tanggalin ng mga franchise holder at operator ng lotto ang mga inilagay na closed signs sa kanilang mga outlet.

Ito ang inihayag ni Philippine National Police (PNP) Spokesperson Brigadier General Bernard Banac matapos inanunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagtatanggal na ng suspensyon sa operasyon ng lotto.

Ayon kay Banac, ipinag-utos na ni PNP Chief Police General Oscar Albayalde sa lahat ng unit ng pulisya na magpunta ng mga lotto outlets at tulungan ang mga may-ari nito na tanggalin ang mga nakapaskil na closed signs.

Gayunman, patuloy pa rin aniya silang magbabantay sa operasyon ng iba pang gaming schemes sa ilalim ng PCSO tulad ng small town lottery (STL), keno at peryahan ng bayan na nananatili pa ring suspendido.