Closed door fights tatanggihan ni Amir Khan

0
34

Tatanggihan ng Dating World Boxing Champion na si Amir Khan ang mga i-aalok na laban sa kanya kung gaganapin ito sa mga closed doors area, oras na magbalik na ang mga boxing fights sa gitna ng pandemiya sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay Khan, kahit alukin pa siya ng malaking halaga ng pera, hindi aniya siya papayag na lumaban sa loob ng mga saradong lugar.

Iginiit ng British boxer, mayroon siyang tatlong anak kaya kailangan niya munang pag-isipang mabuti kung muling babalik at sasapak sa laban.

Samantala, kinukuwestiyon din ni khan kung magiging epektibo ang mga iminumungkahing health measures ng British Boxing Board of Control para sa pagbabalik ng mga laban sa gitna ng pandemic.