Cleanfuel nagpatupad ng rollback sa presyo ng petrolyo

0
8

Magpapatupad na rin ng kanilang rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo ang kumpaniyang Cleanfuel.

Epektibo alas kuwatro uno mamayang hapon, piso ang ipatutupad nilang rollback sa kada litro ng diesel habang 80 sentimos naman sa kada litro ng gasolina.

Una nang nagpatupad ng kahalintulad na rollback ang kumpaniyang Phoenix Petroleum kahapon ng hapon.

Inaasahan namang magsusunuran na rin ang iba pang mga kumpaniya ng langis.