CJ Peralta negatibo sa COVID-19

0
22

Negatibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) si Chief Justice Diosdado Peralta.

Ayon sa Public Information Office (PIO) ng Korte Suprema, isinailalim ang punong mahistrado sa pagsusuri sa COVID-19 alinsunod sa abiso ng mga doktor nito matapos siyang makitaan ng ilang sintomas ng virus tulad ng pag-uubo –matapos na bumyahe sa Netherlands na may higit 2,000 nang naitatalang kaso ng COVID-19.

Magugunitang dumalo si Peralta kasama ang delegasyon ng bansa sa The Hague, Netherlands mula March 1 hanggang March 7, 2020 para sa isang pagtitipon.

Siniguro naman ni Peralta na patuloy niyang ginagampanan ang mga tungkulin sa kanyang tahanan habang minomonitor ang sitwasyon sa bansa.