CJ Lucas Bersamin namaalam na sa mga empleyado, opisyal ng SC

0
13

Namaalam na si Supreme Court Chief Justice Lucas Bersamin sa kanyang mga kapwa mahistrado, mga opisyal at empleyado ng Korte Suprema.

Sa flag raising ceremony ng Korte Suprema, nagpasalamat si Bersamin sa kanyang staff at sa lahat ng miyembro ng Korte Suprema na nagpakita ng katapatan at commitment sa kanyang tungkulin.

Nasa ikalawang linggo na ng kanilang summer session sa Baguio City ang mga mahistrado ng Korte Suprema.

Ito ang unang summer session ni Bersamin bilang Chief Justice bago ang kanyang retirement sa October 18.