City of Dreams nag-donate ng P50-M para sa mga apektado ng COVID-19

0
17

Nag-donate ang pamunuan ng hotel and casino na City of Dreams (COD) ng nasa P50-M halaga ng mga food items para sa mga malubhang naapektuhan ng umiiral na enhanced community quarantine bunsod ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sa isang pahayag, sinabi nito na nakipag-ugnayan na ang foudation-arm ng hotel sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) para sa pakikiisa nito sa pamahalaan na tugunan ang pangangailangan ng mga naapektuhan dahil sa community quarantine at ang laban nito kontra sa lumolobong kaso ng virus.

Kasunod nito, nagtulong-tulong ang mga manggagawang kabilang sa skeletal workforce nito para sa pagpa-pack ng nasa higit 100,000 food packs.

Samantala, nauna nang pina-hiram ng COD ang mga bus nito para maserbisyuhan ang mga health workers sa bansa.

Sa panulat ni Ace Cruz.