36.4 C
Manila
Friday, April 26, 2024

Cimatu ikinabahala ang mga nagkamatayan nang pine trees sa Baguio City

- Advertisement -

Pinakikilos na ni Environment Secretary Roy Cimatu ang lahat ng mga tauhan ng DENR sa Baguio City matapos na kanyang ikabahala ang mga namamatay nang pine trees sa lungsod.

Sa kanyang naging talumpati sa Philippine Military Academy Alumni Homecoming kung saan siya ang panauhing pandangal, binanggit ng dating militar chief ang mga nakita niyang mahigit sa 100 pine trees na mamamatay na sa lugar kung saan siya naglalaro ng golf.

Ayon kay Cimatu, kanya nang inatasan ang kanyang mga tauhan na agad gawan ng paraan ang bumababa nang bilang ng mga pine trees sa lungsod gayundin ang pangangalaga sa mga ito.

Aniya, isang pag-aaral ang kanilang gagawin kaugnay sa kalagayan ng kalikasan sa Baguio City.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -