CIDG kakasuhan ang mga guro ng mga estudyanteng umano’y nire-recruit ng NPA

0
49

Kakasuhan ng CIDG ang mga guro ng mga estudyanteng umano’y ni recruit ng mga maka kaliwang grupo.

Ayon kay PNP CIDG Director Major General Amador Corpus, dapat managot ang mga guro sa ilalim ng Child and Youth Welfare Act kung hindi ire report sa mga magulang ng estudyante na hindi na ito pumapasok ng paaralan limang araw o higit pa.

Sinabi ni Corpus na makikipag ugnayan sila sa mga complainant para matukoy ang mga gurong kakasuhan na gagawin lamang nila kapag sapat na ang hawak na mga ebidensya.