CHR magkakasa na rin ng imbestigasyon sa nangyaring kambal na pagsabog sa Jolo

0
23

Magkakasa na rin ng imbestigasyon ang Commission on Human Rights (CHR) sa nangyaring kambal na pambobomba sa Jolo, Sulu kahapon na ikinasawi ng 55 katao at pagkasugat ng maraming iba pa.

Ayon kay CHR Spokesperson Atty Jacqueline Ann De Guia, kanilang kinokondena ang mga gawaing hindi makatao.

Wala dapat aniyang makaranas ng anomang bayolenteng mga gawain na pawang mga inosenteng tao pa ang nadadamay.

Umaapela rin ang CHR sa iba pang sangay ng ahensya na tiyakin ang paghahanap ng hustisya sa mga biktima.