CHR iimbestigahan ang pagkamatay ng mga inmates ng Bilibid dahil sa COVID-19

0
47

Iimbestigahan ng Commission on Human Rights (CHR) ang pagkamatay ng ilang inmates New Bilibid Prison (NBP) dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID- 19).

Ito ang tiniyak ni CHR Spokesperson Jacqueline De Guia, matapos kumpirmahin ng Bureau of Corrections (BuCor) ang pagkamatay ng hindi bababa sa 18 inmates ng NBP dahil sa virus.

Sinasabng kabilang sa nasawi at agad na na-cremate ang high profile inmate na si JB Sebastian na isa sa mga testigo sa kaso ni Senadora Leila De Lima na may kaugnayan sa droga.

Ayon kay De Guia, Marso pa lamang nakikipag-ugnayan na sila sa mga opisyal ng BuCor para alamin ang sitwasyon sa kulungan sa gitna na rin ng COVID-19 pandemic.

Bnigyang diin ni De Guia, hindi maikakailang mahirap ang sitwasyon sa kulungan lalu na’t congested o siksikan ang mga ito at hindi na rin nabibigyan ng sapat na atensyong medikal.