Radio Philippines Network
Headlines National News

Chinese New Year sinalubong sa Binondo, Maynila

Tampok sa makulay at masayang selebrasyon ng Chinese New Year sa Binondo, Maynila, ang  pagtatahanghal ng mga unique rituals ng mga kababayan nating Filipino-Chinese.

Maliban sa pagdiriwang na ito na sinamahan ng mga tradisyunal na lion and dragon dance, mayroon ring mga notable practices na itinampok upang makapagbigay ng good fortune o good luck sa mga nakiisa sa naturang festivities.

Sa mismong Lucky Chinatown walk, makikita ang napakalaking red and yellow lantern na magbibigay rin umano ng “future happiness” para sa mga maglalakad sa ilalim nito.

Naroon din ang imahe ng laughing Buddha na sinasabing nagbibigay kasagutan sa mga dalangin ng isang tao.

Ngunit bago daw matupad ang iyong kahilingan, kailangan munang maghulog ng coins sa box na nakalagay malapit sa golden Buddha, pumalakpak ng tatlong beses at hawakan ang pulang lubid na nakatali dito.

Related posts

PETA may pangamba sa sitwasyon ng mga hayop na nasagip sa Taal

Powered by DWIZ

Pangulong Duterte at Bro. Eddie Villanueva nagpulong sa Palasyo

RPN News

Palasyo wala pang desisyon sa supplemental budget

Powered by DWIZ

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More