35.4 C
Manila
Friday, April 26, 2024

Chinese na binabantayan dahil sa NCov patay na

- Advertisement -

Kinumpirma ng San Lazaro Hospital na namatay na ang isang Chinese national na under investigation dahil sa posibleng kaso ng novel corona virus.

Ayon kay Dr. Edmundo Lopez, direktor ng ospital, Lunes nang ma- confined ang 29 anyos na lalaki na nagmula sa Yunnan, China at ngayong Miyerkules ng umaga ito binawian ng buhay.

Aniya, sa isinagawang 2 screening ay nagpositibo ito sa HIV at tinukoy na pneumonia ang siyang ikinamatay nito.

Ngunit nilinaw ng opisyal na hindi pa kumpirmado kung namatay nga ito dahil sa NCov dahil hinihintay pa ang magiging resulta ng isinagawang test.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -