Saturday, May 18, 2024

Chinese gov’t tumanggi sa akusasyong pagpapakalat ng fake news hinggil sa COVID-19

- Advertisement -

Mariing pinabulaanan ng China ang inilabas na report ng European Union (EU) na nagsasabing nagpapakalat ng maling impormasyon ang China hinggil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay Foreign Ministry spokesperson Geng Shuang, mariing tinututulan ng gobyerno ng China ang anumang pagpapakalat ng maling impormasyon hinggil sa COVID-19.

Aniya kung tutuusin ay biktima ang China ng pagpapakalat ng maling impormasyon kaya’t hindi ito ang magpapakalat ng anumang disinformation na may kaugnayan sa coronavirus disease.

Matatandaang sa ulat na inilabas ng EU, tahasan nitong tinukoy ang gobyerno ng China bilang may pakana sa mga kumakalat na maling impormasyon hinggil sa COVID-19 kung saan sinabi naman ng foreign news organization na Reuters na pinabubura ng ilang Chinese officials ang naturang report dahil sa umano’y magiging reaksyon ng Chinese government dito.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -