28.7 C
Manila
Monday, April 15, 2024

Bilang ng mga nasasawing health workers dahil sa COVID-19 pumalo na sa 27

- Advertisement -

Sumampa na sa 27 ang bilang ng mga health workers na nasawi dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, umaabot na sa kabuuang 1,245 ang bilang ng mga health workers na ang nag positibo sa COVID-19.

Sa naturang bilang, 471 ang mga nurses, 444 ang mga physicians, 69 ang mga assistant nurses, 41 ang mga medical technologists, 25 naman ang mga radiologic technologists, at 10 midwives.

Samantala, sinabi naman ni Vergeire na sa 27 mga health workers na nasawi, 21 rito ang mga physicians, at 6 naman ang mga nurses.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -