29.5 C
Manila
Sunday, April 21, 2024

Chinese General Hospital hindi na rin muna tatanggap ng COVID-19 patients

- Advertisement -

Hindi na rin muna tatanggap ng COVID-19 patients ang Chinese General Hospital and Medical Center sa Maynila.

Ayon sa pamunuan ng Chinese General Hospital puno na ang COVID-19 wards nila bukod sa kulang na rin sila ng test kits at personal protective equipment (PPE).

Hinimok naman ng Chinese General Hospital ang mga pasyente na magtungo sa COVID designated hospitals at iba pang pasilidad.

Tiniyak naman ng ospital na araw araw silang magsasagawa ng assessment upang mabatid kung maaari na muli silang tumanggap ng COVID-19 patients.

24 oras pa rin naman anilang bukas ang kanilang emergency room para ma-accommodate ang mga pasyente na may iba pang emergency medical concerns.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -