Chinese Ambassador Zhao Jianhua nagbantang ipadedeport ang mga OFW sa China

0
59

Nagbabala si Chinese Ambassador Zhao Jianhua na maaaring ipadeport ang mga manggagawang Pilipino sa China kung iligal na paaalisin sa Pilipinas ang mga Chinese workers.

Ito ang inamin ni Presidential Spokesman Salvador Panelo matapos niyang makausap si Zhao sa Malakanyang noong isang linggo sa gitna ng pangambang naaagawan na ng trabaho ng mga Tsino ang mga pinoy sa sarili nitong bansa.

Ayon kay Panelo, umaasa ang embahador na tatalima ang gobyerno sa umiiral na batas sa Pilipinas.

Magugunitang inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi maaaring basta paalisin ang mga Chinese workers sa bansa.