Tiniyak ng China na prayoridad ang Pilipinas sa bibigyan ng bakuna laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sakaling makabuo na ito.
Ito ang ipinangako ni Chinese Foreign Ministry Spokesperson Wang Wenbin sa kanilang pag-uusap nina Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese President Xi Jinping.
Ayon kay Wang, simula pa lamang kasi ng COVID-19 outbreak ay nagtutulungan na ang Pilipinas at China pagdating sa mutual assistance kung kaya’t nagkaroon ng kooperasyon ang dalawang bansa na tumutok sa bilateral relations.
Samantala, matatandaang binanggit din ni Pangulong Duterte sa kanyang ika-limang State of the Nation Address (SONA) na nakausap nito si Chinese President Xi Jinping at nangako itong bibigyang prayoridad ang Pilipinas sa pagkuha ng bakuna laban sa virus.