China nanindigang hindi “hit and run” ang nangyari sa Recto Bank incident

0
41

Nanindigan ang China na hindi “hit and run” ang nangyaring pagbangga ng Chinese fishing boat sa bangkang pangisda ng mga Pilipino.

Sa inilabas na pahayag ng Chinese Embassy, kinilala nito ang naturang Chinese fishing boat na Yue-Mao-Binyu 422-12 na mula sa Guangdong Province, China.

Kasabay nito, iginiit rin ng China na walang katotohanan na hindi tinulungan ng Chinese fishermen ang mga mangingisdang Pilipino sa lumubog na fishing boat malapit sa Reed Bank.

Paliwanag nito, sa katunayan ay tinangka pang tulungan ng mga Chinese Fishermen ang mga mangingisdang Pilipino ngunit pinalibutan umano sila ng pito hanggang walong Filipino fishing boats.

Matatandaang noong Biyernes naman ng ligtas na makabalik sa Occidental Mindoro ang 22 mangingisdang Pinoy na lulan ng naturang lumubog bangka.