30.3 C
Manila
Sunday, April 28, 2024

China maaaring mangisda sa EEZ ng Pilipinas ayon kay Pangulong Duterte

- Advertisement -

Magpapatuloy ang paglalayag at pangingisda ng China sa bahagi ng South China Sea na sakop ng EEZ o Exclusive Economic Zone ng Pilipinas.

Ito ang ipinahiwatig ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa pagiging magkaibigan aniya ng Pilipinas at China.

Ayon kay Pangulong Duterte, hindi mapipigilan ang China na mangisda kahit pa sa loob ng EEZ ng Pilipinas.

Tulad aniya kasi ng Pilipinas, ayaw ng China na mauwi sa madugong komprontasyon ang pagtatalo sa nasabing bahagi ng South China Sea.

Ang pahayag ng pangulo ay kasunod na rin ng hirit na ideklara ang Recto Bank bilang exclusive fishing ground para sa mga Pinoy at paglalagay ng seguridad sa lugar kabilang na ang 200 nautical mile EEZ ng Pilipinas.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -