China at PH lumagda ng 29 na kasunduan

0
44

Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese President Xi Jinping ang 29 na kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at Tsina, sa unang araw ng state visit nito sa bansa.

Sa isang ceremonial signing agreement sa Malacañang ay sinelyuhan ni Pangulong Duterte at President Xi ang mga nasabing kasunduan, kabilang na ang joint oil and gas development sa West Philippine Sea.

Samantala, tiniyak naman ni President Xi na kaisa ang Tsina sa paghahanap ng solusyon sa gusot ng South China Sea.

Kasama rin sa mga nilagdaang kasunduan ang pagtulong ng tsina sa ‘Build, Build, Build’ project ng pamahalaan, kampanya kontra iligal na droga at pagpapaunlad sa aspeto ng teknolohiya.