Chile nakapagtala ng unang kaso ng COVID-19

0
20

Nakapagtala na ng unang kaso ng 2019 coronavirus disease (COVID-19) ang Chile.

Ang unang kaso ay isang doktor na 33-taong gulang na napag-alamang bumiyahe ng isang buwan sa iba’t ibang bansa sa Timog Silangan.

Nakatakda na umanong palabasin ng ospital ang pasyente subalit patuloy na imomonitor habang nagpapahinga sa kanilang tahanan.