31.6 C
Manila
Thursday, April 18, 2024

CHED at PNP nag-usap kaugnay sa umano’y red tagging ng militar sa ilang pamantasan sa Metro Manila

- Advertisement -

Nagpulong na ang pambansang pulisya at ang CHED o Commission on Higher Education kaugnay sa umano’y red tagging ng militar sa ilang pamantasan sa Metro Manila.

Kabilang sa mga nagpulong sina CHED Commissioner Prospero De Vera, PNP Spokesman C/Supt. Benigno Durana at NCRPO Chief Dir. Guillermo Eleazar.

Ayon kay Eleazar, kokonsultahin aniya ni De Vera ang pamunuan ng mga pamantasan hindi lamang sa Metro Manila kung hindi sa buong bansa upang ikasa ang isang diyalogo sa pagitan nila at ng pulisya.

Una rito, umalma ang ilang miyembro ng academe sa naging paratang ng AFP sa 18 kolehiyo at unibersidad sa Metro Manila na napasok umano ng NPA para makapagdagdag ng kanilang puwersa.

Ayon kay Dr. Mike Pante ng Ateneo De Manila University, nakababahala ang hakbang na ito ng AFP dahil malinaw ang naisin nitong patahimikin ang mga tumutuligsa sa kasalukuyang administrasyon.

Tila binubuhay lamang aniya ng militar ang istratehiya ni yumaong dating pangulong Ferdinand Marcos na bansagang pugad ng aktibismo ang mga pamantasan na siyang ginamit na batayan para ibagsak ang batas militar sa buong bansa.

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -