Ceremonial signing ng Bangsamoro Organic Law itinakda sa Agosto 6

0
50

Pangungunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ceremonial signing ng Bangsamoro Organic Law o BOL sa Lunes, Agosto 6.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, isasagawa ang seremonya sa MalacaƱang.

Bagaman hindi aniya mahilig sa seremonya si Pangulong Duterte, nararapat lamang na bigyang halaga ang makasaysayang paglagda.

Layunin ng BOL na magtatag ng bagong Bangsamoro political entity na papalit sa Autonomous Region in Muslim Mindanao upang makamit ang matagal ng inaasam na kapayapaan sa Mindanao.

—-