Central office ng DepEd naka-lockdown para sa disinfection, contact tracing activity

0
18

Pansamantalang isasara ang central office ng Department of Education (DepEd) sa Pasig City sa loob ng anim na araw.

Ito’y para bigyang-daan ang complex-wide disinfection at contact tracing activity.

Epektibo ang pagsasara ng tanggapan mula ngayong araw, ika-19 ng Agosto, at magtatagal hanggang ika-23 ng Agosto, araw ng Linggo.

Gayunman, tiniyak ng DepEd na magpapatuloy ang kanilang trabaho at serbisyo kahit pa naka-lockdown ang kanilang tanggapan.