29.7 C
Manila
Tuesday, March 19, 2024

Cebu Pac passengers na patungong China, HK pwedeng magparebook ng flight

- Advertisement -

Uubra nang magparebook ng flight ang mga pasahero ng Cebu Pacific na bibiyahe patungong China, Hongkong at Macau.

Ayon sa Cebu Pacific, dahil sa umiiral na ‘novel coronavirus scare’, maaari nang magparebook ang mga pasaherong may biyahe patungong Shanghai, Canton, Beijing, Shenzen, Xiamen, Hong Kong at Macau na binook mula January 24, 2020 hanggang February 29, 2020 –sa loob ng 30 araw mula sa original travel date.

Bukod sa rebooking, puwede ring iparefund ng mga pasahero ang ibinayad sa ticket o ilagay sa travel fund ang halaga para sa future use.

Kasabay nito, muling hinimok ng Cebu Pacific ang kanilang mga pasahero na gumamit ng face mask kapag bumabiyahe, laging maghugas ng kamay at gumamit ng alcohol o sanitizer.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -