Cease and desist order vs ABS-CBN walang bisa —Ex-DICT chief

0
31

Walang bisa para kay dating Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Rodolfo Salalima ang inilabas na cease and desist order laban sa ABS-CBN.

Paliwanag ng dating kalihim, ang cease and desist order ay iligal at walang bisa sapagkat inilabas ito nang hindi dinidinig ang panig ng ABS-CBN patungkol sa ligal na isyu na may ugnayan sa Congressional franchise in violation of the company’s constitutional right to procedural due process of the law.

Kinuwestyun rin ni Salalima kung may reklamong inihain sa National Telecommunications Commission (NTC) batay sa napasong prangkisa ng ABS-CBN.

Samantala, ang NTC ay isang komisyon ng gobyerno na umiiral sa ilalim mismo ng DICT.