CCTV project ng DILG walang magiging problema kung popondohan ng China — Palasyo

0
51

Tiniyak ng Malakanyang na walang magiging problema kung popondohan ng China ang CCTV project ng Department of Interior and Local Government (DILG).

Ito’y kasunod ng mga pangambang ipinahayag ng ilang senador gaya ni Senador Ralph Recto na nangangambang malagay sa alanganin ang kaligtasan ng pilipinas dahil sa “Safe Philippines Project” ng DILG.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, hindi hahayaan ni Pangulong Rodrigo Duterte na makompromiso ang seguridad sa mga lugar na lalagyan ng surveillance project.

Dagdag pa ni Panelo, may kapangyarihan ang pangulo na i-veto o kontrahin ang proyekto kung makitang alanganin ito o magdudulot ng panganib sa marami.

Sa ilalim ng nasabing proyekto, lalagyan ng surveillance camera ang pampublikong lugar sa Metro Manila at Davao City.