CBCP patuloy ang pakikipag-ugnayan sa IATF ukol sa pagbabalik ng religious gatherings sa mga lugar na nasa GCQ

0
31

Dedepende sa desisyon ng experts ang CBCP sa isyu nang pagbabalik ng religious gatherings sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ).

Sinabi ni Father Jerome Secillano ng public affairs committee ng CBCP na patuloy ang pakikipag-ugnayan nila sa IATF hinggil sa usapin.

Ayon kay Secillano maraming feedback silang natatanggap para sa physical masses subalit kailangang ibalanse nila aniya ito sa kaligtasan ng mga mananampalataya.

Ayaw aniya nilang masisi sa huli kaya’t kailangang maging maingat sa pagpapasya kaya’t bahala na ang experts na mag-assess ng sitwasyon.